^

Punto Mo

Ang ika-13 babae sa kanyang buhay (51)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“TUMABI sa akin si Glenda sa pagkakaupo sa sopa. Nasamyo ko ang mabango niyang buhok na mamasa-masa pa. Pati ang katawan niya ay humahalimuyak dahil sa ginamit na sabon.

‘‘Nang-aakit ang ngiti ni Glenda. Yun bang ngiti na para bang nagsasabi na puwedeng-puwede siya. Nakita ko na bahagyang nakaawang ang mga labi ni Glenda. Yun bang labi na naghihintay ng sasagpang.

‘‘Nang tingnan ko ang manipis na suot ni Glenda, na­aninag ko ang kanyang katawan. Kasingnipis ng balat ng sibuyas ang damit niya. Wala nang tinatago. Wala nang damit panloob si Glenda. Inalis na niya ang anumang pang-abala.

‘‘Tinanong niya ako kung masarap ang inihandang pagkain. Sabi koý masarap. Nabusog ako. Sabi niya, mas masasarapan daw ako sa isa pang putahe na handa niya. Sabi ko’y busog pa ako. Maya-maya na ang isa pang putahe.

“Pero ibang putahe pala ang iaalok ni Glenda. ‘Yung masarap na putahe. Kinuha niya ang kamay ko at pinatong sa sinasabi niyang ‘‘putahe’’. Mainit-init pa. Bagong lutong bibingka!

“Lalo akong nahamon. Talaga palang palaban si Glenda. Siya na ang kusang yumakap sa akin at nagsi­mula na ang umaatikabong labanan, Palay na ang lumapit sa manok.

‘‘Masyadong ‘hot’ si Glenda. Noon lang ako nakaranas ng ganun. Marami na akong nakarelasyon pero kakaiba si Glenda. Grabe as in grabe.’’

Tumigil si Reagan at sinaid ang laman ng baso.

‘‘Talagang hindi mo malimutan ang nangyari Manedyer ?’’

‘‘Oo. Nakapagkit sa isip ko.’’

Nagtawa si Bino.

“Pero alam mo Bino, nangyari iyon minsan lang. Parang one night stand lang. Hindi na nasundan. Isang labanan lang ang nangyari sa amin.’’

‘‘Bakit Manedyer? Sayang naman.’’

Nagtawa si Reagan at sinabi ang dahilan.

(Itutuloy)

vuukle comment

LIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with