^

Punto Mo

Negosyong online assistance kumakalat

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

NAGIGING kapuna-puna sa kasalukuyan ang pagkalat ng mga shop, maliliit na stall sa mga  malls  o maging sa ilang mga pribadong  bahay na merong internet connection na  nag-aalok ng online service o online assistance sa mga nais makipagtransaksyon sa ilang mga tanggapan ng pamahalaan. Karamihan kasi ng mga aktibidad sa mga opisina ng gobyerno ay ginagawa na lang sa pamamagitan ng kanilang mga website sa internet. Bihira na ang nakakapasok sa kanilang mga tanggapan.

Kabilang dito ang Social Security System, Pag-IBIG, PhilHealth, Department of Foreign Affairs, National Bureau of Investigation, at iba pa. Karaniwang kliyente ng naturang mga negosyong online assistance ang mga walang sariling computer at walang internet connection.

Nagbunsod marahil sa paglutang ng mga negosyong ito na online assistance ang pagsasara ng mga computer shop o internet café mula nang magpatupad ang pamahalaan ng mga community quarantine measures para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. Nalugi at nagsara  ang maraming computer shop na ang iba ay nagbenta na lang ng kanilang mga computer at ibang ari-arian. Pero may mga computer shop na, kahit hindi na sila nagpapapasok ng mga kustomer, nag-aalok na lang sila ng ibang mga serbisyo tulad ng online assistance bilang alternatibo sa kanilang negosyo.

Bago kasi naganap ang pandemya, kabilang  ang mga computer shop sa mga magandang negosyo dahil dinadagsa ito ng mga estudyante, empleyado, negosyante at iba pang nanganga­ilangang makapagbukas ng internet o magpa-print ng mga dokumento, mag-research  o kaya maglibang sa mga computer games o magbukas ng kanilang mga social media account. Nagagamit pa nga ang mga computer shop na ito sa pakikipag-video call ng ibang mga tao sa kanilang mga mahal sa buhay na nasa ibang bansa.

Pero, dahil nga sa pandemya,  ipinasara ang mga computer shop at internet café dahil kabilang ang mga ito sa pinagkukumpulan ng maraming tao na tiyak na magpapahawa ng sakit na Covid-19. Kawawa ang mga computer shop na nangungupahan lang ng puwesto lalo na sa mga unang buwan ng pandemya dahil lugi na ay nagbabayad pa sila para sa puwesto kaya ang iba sa mga ito ay tuluyan nang nagsara. May mga computer shop naman na ang naging alternatibo ay ang pag-aalok nga ng serbisyong online assistance.

Gayunman, kahit naman noong wala pang pandemya, may mga computer shop na nag-aalok na rin ng online assistance pero mukhang bihira ang tumatangkilik dito dahil marami naman sa atin ang marunong magbukas ng mga website sa internet bukod sa puwede pang pumunta sa mga opisina ng gobyerno.  Pero marami sa mga shop na ito ang humina ang kinikita dahil sa pagdami ng mga tao na may sariling computer o laptop lalo na nang lumaganap ang mga smartphone na may internet connection.

Malaking bagay sana ang mga computer shop na ito para sa mga estudyanteng dumadalo sa online classes lalo na sa mga kabataang walang sariling computer at internet access kung hindi sana nagsara ang mga ito.

At, dahil nga sarado o nawala na ang mga computer shop, naglitawan ang mga negosyong online assistance dahil na nga rin sa mga ipinapatupad na mga online transaction sa mga tanggapan ng pamahalaan.

Email: [email protected]

vuukle comment

PAG-IBIG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with