^

Punto Mo

Ang ika-13 babae sa kanyang buhay (50)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

‘‘UNANG tingin ko pa lang kay Glenda, nahulaan ko nang siya ay babaing mahilig sa abentura. Flirt. Mahilig. Babaing ang hanap lamang sa lalaki ay ulayaw,’’ sabi ni Reagan at kumutsara ng adobong manok. Atay ang nakutsara at isinubo.

“Anong mahilig, Ma­ned­yer – mahilig sa sex?’’

“Oo. Hot si Glenda.’’

“Nasasabik ako, Maned­yer. Ituluy-ituloy mo na nga para malaman ko ang nang­yari sa inyo ni Glenda.’’

‘‘Nasabi kong mahilig dahil una pa lamang naming pagkikita ay nag-aanyaya na siya sa kanyang tirahan. Ano ang ipakakahulugan sa ganung babae e di ba mahilig.

‘‘Dahil sa pinakita niya, na-challenge ako. Kahit nga may pangako ako sa namatay kong asawa na si Nancy na hindi na makikipagrelasyon ay nasira dahil kay Glenda. Talagang mahina ako. Marupok kapag nagpakita ng motibo ang babae.

“Dahil sinabi agad ni Glenda kung saan siya nakatira, kinahapunan din ay agad akong nagpunta sa tinitirhan niya. Nahamon ang pagkalalaki ko. Hindi ko pinalampas ang anyaya niya.

“Kabisado ko ang lugar na sinabi niya kaya madali akong nakapunta. Palibhasa ay may sarili akong sasakyan, madali akong nakarating sa lugar.

“Sa isang villa siya nakatira. Malaki ang kuwarto niyang inuupahan. Pagkatok ko sa pinto ay binuksan agad niya. Nakangiti nang pagkatamis-tamis na para bang inaasahan nang may mangyayari.

“Ipinaghanda muna niya ako nang makakain. Nang kuma­kain na ako, sinabi niyang magsa-shower lang siya. Kumain lang daw ako at sandali lang siya sa pagsa-shower.

“Eksaktong tapos ako sa pagkain, natapos din siya sa pagsa-shower. Nang lumabas siya sa sa banyo ay napakanipis ng kanyang suot. Kita na ang kaluluwa. Talagang handa na siya sa mga mang­yayari. Ako ay handa na rin. Mayroon nang nagagalit sa akin…’’

Si Bino ay halos hindi hu­mihinga sa pakikinig kay Reagan.

Bago nagpatuloy si Reagan, lumagok muna siya ng alak.

(Itutuloy)

vuukle comment

LIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with