^

Punto Mo

Alert Level System, may pabor, may hindi!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sa kabuuan naging matagumpay at maayos umano ang unang araw sa pagpapairal ng Alert Level 4 sa National Capital Region (NCR).

Bagamat may kanya-kanyang diskarte ang mga Metro Manila mayors, eh talaga namang napaghandaan na nila ang pagpapatupad ng granular lockdown sa mga piling lugar na may mataas na kaso ng COVID.

Gayunman, ang sistema nang  ‘bulagaan’  sa granular lockdown ang  siyang inirereklamo ng ilang apektadong residente.

Hindi kasi nagugustuhan ng mga isinasailalim sa granular lockdown ang biglang pag-lockdown sa kanila na walang abiso at hindi nila ito napaghandaan.

In fairness naman, bago pa ipatupad ang alert level system  nauna nang sinabi na walang gagawing abiso o warning sa pagpapatupad ng granular lockdown base sa inilabas na guidelines.

Iniiwasan kasi eh yung pagpuslit at pag-aalisan ng tao sa mga maapektuhan sa lugar.

Kung ang kanilang pagkain naman ang iniisip ng mga sasailalim sa lockdown, nakahanda naman umano ang pamahalaan na suplayan ng makakain sa araw-araw ang mga ito.

Kung merong hindi nagugustuhan ang ilang probisyon sa alert level system, labis namang nasisiyahan dito ang ilang negosyo.

Kasi nga pinapayagan na sa Alert Level 4 ang pagbubukas ng ilang negosyo na matagal din namang natigil.

Kabilang ang mga restaurant na pinapayagan ang dine-in para sa mga bakunado at ang mga hindi bakunado ay pwede sa fresco dining  area.

Maging mga barbershop at salon ay pinayagan na rin sa maliit na porsyento na kailangan din eh mga bakunadong staff at bakunadong kostumer.

Sa mga mall kapansin-pansin na bahagyang dumami na ang mga nagpupunta.

Maliit na porsiyento rin ang pinayagan sa religious gathering at mga bakunado rin ang pinapayagang pumasok.

Dito talaga mararamdaman ang kahalagahan ng nakapagbakuna na.

Binuksan na rin ang ilamg tourist spots.

Bagamat may advantage ang ganitong sistema dahil nararamdaman na ang pagbabalik kahit bahagya sa normal, pero ‘wag naman sanang mangyari na maging dahilan ito sa muling pag-alagwa ng kaso ng COVID.

Kailangan pa rin ang matinding pag-iingat dahil mataas pa rin ang arawang kaso ng virus na naitatala, isama pa ang ibat-ibang variant na naglulutangan.

Pero kung hindi naman talaga mahalaga ang gagawin sa labas, makabubuti na manatili na rin sa kanilang mga tahanan para makatulong na rin sa pamahalaan upang maiwasan ang hawaan. Para narin ito sa ating kaligtasan.

vuukle comment

NATIONAL CAPITAL REGION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with