^

Punto Mo

15 Katotohanan ng Buhay

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Ang inggit ay isang sining ng pagbibilang ng biyayang tinatanggap ng iba, kaya hindi napapansin ang biyayang natatanggap niya.

2. Huwag mainggit sa mga taong nakakaranas ng magandang kapalaran, malay mo, kung anong klaseng pagdurusa ang naranasan niya noong panahong bigung-bigo siya.

3. Ang mga taong laging nakaabang sa pagkakamali ng iba ay walang oras para maitama niya ang sariling kamalian.

4. Ang inggit ay nanggagaling sa mga taong walang bilib sa sarili nilang kakayahan.

5. Nakakabulag ang inggit kaya hindi sila nakakapag-isip nang maliwanag.

6. Anong pait ang nadadama ng inggiterong laging nakasilip sa tagumpay ng iba.

7. Matatagpuan ang kaligayahan kung ititigil mo ang pagkukumpara ng iyong sarili sa ibang tao.

8. Huwag mag-alala sa taong ayaw sa iyo, malamang, inaayawan din nila ang sarili nila.

9. Ang isang sikreto ng tunay na kaligayahan ay kawalan ng inggit sa katawan. 

10. Kakaunti lang ang mga taong tunay na nagdiriwang sa tagumpay ng iba.

11. Ang pag-ibig ay tumitingin gamit ang telescope; samantalang ang inggit ay gumagamit ng microscope.

12. Ang inggit ay ulcer sa kaluluwa.

13. Habang binubutas ng inggit ang iyong kaluluwa, lalo namang kumikinang ang pagkatao ng iyong kinaiinggitan.

14. Kung ang inggit ay virus, mas mabagsik pa ito sa Delta variant.

15. Ang inggit ay maihahalintulad sa pagbaril sa target, ngunit ikaw mismo ang natamaan at namatay.

“Some people are going to reject you because you shine too bright for them. That’s okey, they don’t pay your light bill. Keep shining.” – Unknown

vuukle comment

LIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with