^

Punto Mo

Ang ika-13 babae sa kanyang buhay (48)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ANG dami mong dala Manedyer! Mukhang magtatagal ka nga rito,’’ sabi ni Bino habang hinahakot mula sa Navara ang mga dala ni Reagan at dinadala sa bahay.

“Oo Bino. Hindi na ako kumportable sa pagtira sa Makati.’’

‘‘Bakit Manedyer ?’’

“Masyado nang polluted. Napakainit na parang wala nang hangin. Yung tirahan ko e napuno ng alikabok kahit na nakasara ang mga bintana. Mas mabuti rito sa probinsiya at sariwa ang hangin. Masarap matulog dito kahit walang aircon.’’

“E di mabuti at matagal tayong magkakakuwentuhan, Manedyer. At saka mabuti ngang matirahan mo nang matagal ang bahay mo at baka masira.’’

“Oo nga, Bino.’’

“Ano ba ang laman ng mga nasa kahon, Manedyer at mabigat.’’

“Mga delata yun, Bino. Yung isang kahon dun ay para sa inyo ng pamilya mo. Pasalubong ko. Mga corned beef, sardinas, noodles, biscuits, asukal, gatas, chocolates at marami pa. Sa inyo lahat yun.’’

“Salamat Manedyer. Matutuwa si Misis sigurado.’’

“Tapos yung isa pang kahon ay yung iinumin natin. Imported ang binili ko para masarap ang kuwentuhan natin. Mayroon ding beer. Mabuti ang may pagpipilian.’’

“Ayos ka talaga Manedyer. Palagay ko masaya ang pagkukuwentuhan natin mamaya.’’

“Sigurado yun, Bino. E maiba ako, kumusta ang tinanim nating mangoosteen at marang.’’

“Buhay na buhay na ma­nedeyer. Tumatalbos na.’’

“Good. Bukas balak kong taniman ng kawayan yung malapit sa sapa. Mahusay pala ang kawayan na pam-prevent sa baha. Sinisipsip pala ng kawayan ang tubig.’’

“Oo nga Manedyer. Ma-ganda ring itanim ang kawayan sa mga gilid ng bundok.’’

“Tama ka. Nagpi-prevent ng erosion. Hindi nagkakaroon ng landslides. Ang problema, saan tayo kukuha ng kawayan na itatanim?’’

“Walang problema Manedyer. Mayroon akong alam.’’

“Maaasahan ka talaga, Bino.’’

“Akong bahala bukas.’’

“Sige dalahin mo muna sa inyo ang kahon ng pasalubong at nang makakain ng tsokolate si misis at anak mo. Bumalik ka mamayang alas kuwatro at sisimulan natin ang konsiyerto.’’

“Sige Manedyer. Magluluto ako ng ginataang manok na may luyang dilaw.’’

“Masarap yun ah. Sige hintayin kita.’’

ALAS KUWATRO, dumating si Bino dala ang pulutan. Sinimulan nila ang concert.

Nang nakainom na, nagsimula na si Reagan sa pagkukuwento.

‘‘Sino ang ika-pitong babae sa buhay mo Manedyer.’’

“Si Glenda.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

LIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with