^

Punto Mo

Rapper sa Mexico, ginawang ginto ang kanyang buhok!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

PINAG-UUSAPAN ang rapper na si Dan Sur sa iba’t ibang social media websites hindi dahil sa kanyang musika, kundi sa kanyang buhok na gawa sa ginto!

Dahil sa internet, hindi na madali sa panahon ngayon ang mapansin bilang isang artist dahil sa dami ng kompetisyon. Kaya naisip ng rapper mula Mexico na si Dan Sur na kailangang ma-ngibabaw laban sa kanyang mga kasabayan sa pamamagitan ng ginto bilang kanyang buhok!

Sa panayam sa 23-anyos na rapper, surgically implanted ang mga gold chains sa kan­yang anit. Ginawa niya raw ito upang maging unique ang kanyang hairstyle at sa ti-ngin niya, lumang uso na ang pagkukulay ng buhok.

Walang makapagpatunay kung totoo ba na implanted ito sa kanyang ulo o hindi. Kung totoo man na nakatanim na ang mga gold chains sa kanyang anit, nagtagumpay si Dan Sur sa kanyang hangarin na mapansin sa social media dahil ilang websites at news agencies na ang nag-feature sa kanyang gintong buhok.

Ayon sa mga doktor na nakabalita sa kakaibang buhok ni Dan Sur, malaki ang tsansa na magkaroon ng impeksiyon o kumplikasyon sa kanyang scalp si Dan kung totoo man itong nakatanim sa kanyang anit.

Sa kasalukuyan, wala pang naiuulat na nararanasang kumplikasyon ang rapper ngunit pinaalalahanan niya ang kanyang followers sa social media na huwag siyang gagayahin dahil hindi ito ligtas.

vuukle comment

MEXICO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with