^

PSN Showbiz

Jessy, nilantad na ang anak!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Jessy, nilantad na ang anak!
Baby Peanut

Super kyut ng anak nina Luis Manzano and Jessy Mendiola.

Though hindi pa naman buong face nito ang ipinakita ni Jessy sa kanyang post kahapon.

“Mama & Papa love you so much, our little Rosie,” caption ni Jessy.

Kaya naman pinusuan ito ng kanilang libo-libong followers.

Pero as usual, may mga nega na “Pakita nyo na face ipapakita nyo din nmn po soon”

Pero mabilis ang sagot ng ibang followers nila na desisyon nilang mag-asawa ‘yun.

May sarcastic namang sumagot “Sa vlog siguro aabangan namin.” Pero subs­cribe raw muna sila.

Tisay na tisay si ‘Peanut’ at tiyak, masayang-masaya si Ate Vi (Vilma Santos) na lola na siya.

Ngayon pa lang ay ang dami nang nagpapadala ng mga gift kay Peanut.

Aktres, kinaiinisan sa sobrang pasosyal

‘Di na pinapatos kumbaga ang mga awra ng isang aktres sa social media. Masyado na raw kasing maarte at pasosyal.

Pansin nila kahit anong post nito, nabawasan na ang interes ng kanyang followers.

Feeling daw kasi ng ibang fans, nagagamit sila para mas kumita pa ito.

Parang overacting na rin daw si aktres sa pag-arte-arte.

May ilang loyal fans niya ang nagpapadala ng hanash sa amin tungkol sa dating idolo nila at nagtataka sila kung bakit ito biglang gusto talagang maging sosyal as in luxury-luxury na rin ang mga gamit samantalang nakilala naman itong hindi ganun.

Wish nilang ‘wag itong makipagsabayan sa ibang mga artista na walang ginawa kundi mag-post ng mga luxury goods nila.

Mas gusto raw nila ang aktres na simple lang at hindi masyadong pasosyal.

 

vuukle comment

JESSY MENDIOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with