^

Police Metro

Full capacity na sa SONA ni Marcos

Malou Escudero - Pang-masa
Full capacity na sa SONA ni Marcos
New Philippine President Ferdinand Marcos Jr. delivers a speech after he was sworn in as the country's new leader, at the National Museum in Manila on June 30, 2022.
Ted Aljibe / AFP

MANILA, Philippines — Sa kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM) sa darating na Hulyo 25 ay papayagan na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang ‘full capacity’ ng mga dadalo. 

Ayon kay House Se­c­retary General Mark Llan­dro Mendoza, naghahanda na sila para sa makasaysa­yang SONA ni PBBM na ‘full capacity’ na muli sa pagkakataong ito matapos ang hybrid SONA noong nakalipas na dalawang taon dulot ng COVID-19 pandemic.

Nasa 1,200 katao ang maaaring payagang makapasok sa plenaryo ng Ka­mara kung saan gaganapin ang SONA kabilang ang 300 Kongresista, 24 Senador at mga miyembro ng diplomatic corps.

Sa hanay ng mga reporter na nagko-cover sa Kamara ay 30 lang ang slot  na pahihintulutan makapasok sa loob ng sesyon hall habang ang iba pa ay may itatalagang holding area kung saan magmomonitor na lamang ang mga ito sa live streaming.

Ilang oras bago ang kauna-unahang SONA ni PBBM bilang ika-17 Pa­ngulo ng bansa ay pormal na magbubukas ang ika-19th Congress kung saan iluluklok sa puwesto si in­coming House Speaker­ Martin Romualdez (1st District Leyte).

Ang Mababang Kapulungan ng Kongreso at Se­nado ay magsasanib upang pormal na buksan ang ika-19th Congress.

Ipatutupad din ang ma­higpit na seguridad sa labas at loob ng Batasang Pambansa at tanging may mga QR Code lamang ang makakapasok sa loob upang maiwasang malusutan ng anti-Marcos rallyists.

Ipatutupad pa rin ang healthy at safety protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, social distancing at paglalagay ng sanitizer sa kamay.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

SONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with