^

Police Metro

Kaso ng COVID-19 Omicron subvariants, nadagdagan

Danilo Garcia - Pang-masa
Kaso ng COVID-19 Omicron subvariants, nadagdagan
Shoppers wear face masks as protection against the COVID-19 while inside a market in Marikina City taken on July 17, 2022.
THE STAR / Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Iniulat kamakalawa ng Department of Health (DOH) ang dagdag na 70 bagong kaso ng BA.4, BA.5, at BA2.12.1 sa bansa.

Sa naturang bilang, 43 ang BA.5 cases, kabilang ang 42 local cases at isang returning overseas Filipino (ROF).  

Lima sa mga bagong kaso ang mula sa Region 1; pito mula sa Region 4-A; tig-isa mula sa Regions 4-B, 5, 7, 8, 10 at Cordillera­ Autonomous Region, dalawa mula sa Region VI, at 21 mula sa National Capital Region (NCR).

May pito rin namang bagong BA.4 cases ang natukoy, na pawang local cases at sa naturang bilang, anim ang mula sa Region 5 at isa ang mula sa NCR.

Nakapagtala rin ng 20 BA.2.12.1 cases, kabilang ang 16 na local cases at apat na ROFs na ang apat dito ay mula sa Region 4-A; apat mula sa Region 6, isa ang mula sa Region 1; dalawa ang mula sa CAR, at lima ang mula sa NCR.

Ayon sa DOH, may kabuuang 190 kaso ng Omicron variant of concern ang naitala mula sa kanilang whole genome sequencing run, na isinagawa mula Hunyo 29 hanggang Hulyo 4.

Bunsod ng mga natu­rang bagong kaso, ang ka­buuang bilang ng mga kum­pirmadong Omicron cases sa buong bansa ay nasa 7,919 na.

Kinalma naman ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang publiko nang sabihin na wala silang naitalang namatay sa mga kaso ng Omicron sub-va­riants.

vuukle comment

COVID-19

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with