^

Police Metro

Ex-AFP Comptroller Garcia, kulong ng 4-8 taon sa direct bribery

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat hanggang walong taon na pagkakulong ang hatol kahapon ng Sandiganbayan kay dating AFP Comptroller ret. Major Gen. Carlos Garcia ma­tapos mapatunayang guilty sa kasong direct bribery at pagpapasilidad ng money laundering mahabang panahon na ang nakalilipas habang kasalukuyan pa itong nasa puwesto.

Sa 8-pahinang desis­yon na ipinalabas ng anti-graft court, pinahintulutan ang plea bargain ni Garcia at ibinaba ang kaso nito sa direct bribery.

Si Garcia ay una nang isinakdal sa kasong plunder o pandarambong na may kaparusahang reclusion perpetua o 20-40 taong kalaboso.

Si Garcia ay dating­ AFP Deputy Chief of Staff for Comptrollership­ ay na­sentensyahan ng Sandiganbayan na makulong ng 4-8 taon at pinagmumulta ng P406.3-M o tatlong beses na mataas sa kabuuang halaga ng mga natanggap nito sa plea bargaining ag­reement.

Sa kaso naman ng money laundering, nag-plea ng guilty si Garcia sa mas mababang pagkakasala sa pagpapasilidad ng nasabing illegal na aktibidad. Ang retiradong heneral ay nasentensyahan ng pagkakakulong ng 4-6 taon at pinagbabayad ng multang P1.5 milyon.

vuukle comment

CARLOS GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with