^

Police Metro

Marcos, kailangan ng bihasang opisyal sa DA

Pang-masa
Marcos, kailangan ng bihasang opisyal sa DA
Ito ang sinabi ng National Coalition of Filipino Consumers (NCFC) at na­ngangailangan si Marcos ng isang operations man na titiyak sa pagkamit sa adhikaing agriculture self-sufficiency at food security.
File

MANILA, Philippines — Ang pamumuno ni Pa­ngulong Bongbong Marcos sa Department of Agriculture (DA) ay matibay na pundasyon at hudyat ng mga prayoridad ng admi­nistrasyon sa pagpapalago ng agrikultura ng bansa.

Ito ang sinabi ng National Coalition of Filipino Consumers (NCFC) at na­ngangailangan si Marcos ng isang operations man na titiyak sa pagkamit sa adhikaing agriculture self-sufficiency at food security.

Anila, maaaring hindi na kailangang tumingin ng malayo ang Pangulo dahil may mga mapagkakatiwalaang opisyal sa DA na umano ay hindi napansin ni dating kalihim William Dar.

Sa pagsusuri ng grupo, ang kasalukuyang Undersecretary for operations na si Engr. Ariel T. Cayanan ay maaaring ilagay sa puwesto na namumuno rin sa National Rice at National Corn na mga programang nagpakita ng record ng pagtulak ng mga patakaran at estratehiya sa seguridad ng pagkain.

Naniniwala pa ang grupo na maaaring ginamit bilang ‘sacrificial lamb’ sa umano’y smuggling deal ang ilang opisyal ng DA para mapagtakpan ang mas malaking anomalya sa ahensya.

Anya, si Cayanan ay isa sa pinakamatataas na opisyal sa DA ay mada­ling maisakatuparan ang bagong policy thrust ng Marcos administration na nagdaragdag ng pamumuhunan para sa mga magsasaka upang pasiglahin ang domestic agriculture productivity at self-sufficiency.

Magugunita na si Caya­nan ay naging Task Force Head sa panahon ng qua­rantine period sa kasagsagan ng Covid-19.

vuukle comment

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with