^

Police Metro

7 sundalo sugatan sa pagsabog

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pitong sundalo ang na­sugatan at isa dito ay nasa kritikal na kondisyon matapos na sumabog ang patibong na anti-personnel mine ng New People’s Army (NPA) sa isang community service sa bayan ng Mapanas, Northern Samar, kahapon.

Ayon kay Major Gen. Eduardo de Leon, Commander ng Army’s 8th Infantry Division, alas-6:15 ng umaga nang magkakasunod na sumabog ang apat na eksplosibo na itinanim sa may puno ng niyog na itinago sa may damuhan ng mga rebeldeng NPA sa Brgy. Magsaysay, Mapanas ng lalawigang ito.

Ang mga nasugatang sundalo ay itinago sa apel­yido lamang na sina Sgt. Ed; Pfc John; Corporal Rob; Pfc AR; Pfc Ron; Private Gil; at Pfc Jas na nasa kritikal na kondisyon dahil sa tinamong sugat sa tiyan sa pagsabog ng eksplosibo.

Nabatid na nagsasagawa ng community service ang pinagsanib na elemento ng Army’s 20th Infantry Battalion (IB) at 63rd Infantry Battalion (IB) nang mangyari ang pagsabog.

Habang naglalakad ang mga sundalo papasok sa nasabing barangay nang mangyari ang pagsabog kung saan malakas na anti-personnel mine ang ginamit.

Sinabi ni De Leon, na ang pinagtaniman ng bomba ng mga rebelde ay daanan ng mga sibilyan at mabuti na lamang na walang nadamay sa mga ito.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with