^

Police Metro

8 Bilibid inmates na namatay, walang sintomas ng COVID-19

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ng National Bureau of Investigation (NBI) na wala umanong sintomas ng COVID-19 ang walong ‘high-profile inmates’ ng New Bilibid Prisons (NBP) ilang araw bago sila mamatay.

Isa ito sa lumalabas na resulta ng imbestigasyon ng NBI na ipinag-utos ng Department of Justice (DOJ) makaraang matagpuang patay si Jaybee Sebastian sa NBP na nasa kontrol noon ng National Capital Regional Police Office (NCRPO).

Dito isinailalim rin sa imbestigasyon ang pagkamatay nina Francis Go, Shuli Lim Zhang, Jimmy Ang, Eugene Chua, Benajamin Marcelo, Sherwin Sanchez, Amin Boratong, at Willy Yang.

Sa pagsusuri ng NBI, natagpuan na ang room assignment ng walo sa Bldg. 4 ay uri ng kaso sa iligal na droga at matapos na ihiwalay sila at ilipat sa umano’y mas komporta­bleng kuwarto ay agad na silang namatay.

Wala ring nakitang anu­mang kahina-hinalang sitwasyon ang mga saksi kaugnay ng COVID-19 kahit na plywood lang ang pagitan ng mga selda; at ang nakita lamang nilang iregular ay nang unti-unting maglaho sa Bldg. 4 ang mga inmates.

Nabatid pa na hindi ito tugma sa alegasyon ng mga tauhan ng NCRPO na inalagaan umano nila ang mga inmates at nakaalerto habang may COVID-19 at natagalan umano bago naidala ang mga inmates sa pagamutan na  lahat ng inmates ay idineklarang ‘dead-on-arrival’ dahil sa ‘cardiac o pulmonary arrest, ngunit sa pagsusuri ay walang nakitang sintomas ng COVID-19.

Dagdag pa sa imbestigasyon na sinamantala umano na nakaditine ang mga inmates sa Bldg 4. Site, na ginawang isolation area at natagpuan nila na ang ikinamatay ni Jaybee Sebastian ay dahil sa ‘natural causes’.

Nitong Hulyo 1, si­nampahan ng walong counts ng Murder ng NBI sa DOJ ang 22 tauhan ng NCRPO na direktang may pananagutan o parti­sipasyon sa pagkamatay ng mga inmates.

vuukle comment

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with