Seguridad sa unang SONA ni Marcos, pinaplantsa na - PNP
MANILA, Philippines — Inumpisahan na ng Philippine National Police (PNP) ang paglalatag ng paghahanda sa seguridad para sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Batasang Pambansa sa Quezon City ngayong buwan.
Ayon kay PNP director for operations Maj. Gen. Valeriano de Leon na ang maagang pagbuo ng security plan ay magbibigay-daan sa kanila na masakop ang bawat sitwasyon sa labas at loob ng lugar ng venue.
“We want to prepare as early as possible so that we can have the best security measures for the SONA. We want to come up with a good template, a good security plan that we will present to our PNP OIC (officer-in-charge) Lt. Gen. Vicente Danao Jr. for review and approval,” dagdag niya.
Sinabi ni De Leon na ang puwersa ay magbabakod sa mga nakaraang SONA upang matiyak na walang mga aberya sa seguridad at bahagi ng pagpaplano ay kung paano haharapin ang mga nagpoprotesta.
Ang mga nagpoprotesta, aniya, ay maaaring gumamit ng mga freedom park kung saan maaari nilang idaos ang kanilang mga programa.
- Latest