^

Police Metro

Marcos sa DOTr: Mga proyekto ng administrasyong Duterte, ipagpatuloy at madaliin

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inatasan ni Pangulong Bongbong Marcos ang Department of Transportation (DOTr) na ipagpatuloy at madaliin ang konstruksiyon ng mga proyektong pinasimulan ng administrasyong Duterte.

Ayon kay DOTr Undersecretary Cesar Chavez, kabilang sa mga naturang proyekto ay ang Metro Manila Subway, Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7), Common Station at iba pa.

“Ang gusto rin ng ating Pangulo ay ituloy din ang magagandang programang nasimulan tulad ng subway. Ang kautusan lang ng ating Pangulo at Secretary Jaime Bautista ay bilisan ang completion ng mga project na ito,” ani Chavez.

Target aniya ng DOTr na matapos ang MRT-7 mula North Avenue, ­Quezon City hanggang sa San Jose del Monte, Bulacan sa loob ng dalawa o tatlong taon lamang.

Ang Manila to Malolos train project ay target rin aniya nilang makumpleto sa pagitan ng 2024 hanggang 2025 habang sa taong ito naman aniya ay ipaiiral ang common station para sa Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) at MRT-3.

Matatandaang isa sa mga legasiya ni Pang. Rodrigo Duterte ay ang kanyang Build, Build, Build Program na naging malaking tulong para sa mga mamamayan.

vuukle comment

CESAR CHAVEZ

DOTR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with