4 Chinese, timbog sa P256.5 milyon sigarilyo sa Cavite
MANILA, Philippines — Umaabot sa P256.5 milyong halaga ng tobacco products at iba pang cigarette-making paraphernalia ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) nang salakayin ang isang warehouse sa Tanza-Trece Martires Road,Barangay De Ocampo sa Trece Martirez, Cavite.
Katuwang ang National Bureau of Investigation Special Action Unit (NBI SAU), nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto sa apat na Chinese national na nagpapatakbo nito.
Kabilang sa raiding team ang ilang tauhan mula sa Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) alinsunod sa Letter of Authority (LOA) at Mission Order (MO) ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero.
Natuklasan din ang isang filter maker, dalawang cigarette makers, at anim na packing machines na nagkakahalaga ng P75 milyon; apat na kahon ng tax stamps na may halagang P18 milyon o kabuuang P72 milyon; at 81 master cases ng Marvel cigarette na may halagang P50,000 bawat isa o kabuuang P4.05 milyon.
Nakadiskubre rin ng mga finished cigarette products tulad ng Marfels, Two Moon, Mighty, at iba pa sa loob ng naturang bodega.
Hindi naman makapagpakita ng kaukulang mga dokumento at permits ang mga dinakip na Chinese nationals para sa produksyon ng sigarilyo.
- Latest