^

Police Metro

Dagdag-ruta sa Libreng Sakay program, sinusuri pa

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Cesar Chavez na kanila nang sinusuri ang posibilidad na magbigay ng libreng sakay ng bus sa mas maraming ruta sa ilalim ng Libreng Sakay program.

Ipinunto ni Chavez na ang budget ng DOTr ay sapat lamang para sa mga kasalukuyang ruta para sa libreng sakay.

Makikipagpulong si DOTr Secretary Jaime Bautista sa pinuno ng mga kaugnay na ahensya para pag-usapan ang usapin, ayon pa sa opisyal.

Noong Biyernes ay inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpapalawig ng libreng sakay sa EDSA Carousel bus hanggang Disyembre 2022 na dapat na magtatapos sa Hunyo 30, 2022.

Inaprubahan din ni Marcos ang libreng sakay para sa mga mag-aaral na gagamit ng MRT-3, LRT-2, at Philippine National Railways kapag nagpapatuloy ang in-person classes sa Agosto.

Sinabi ni Chavez, na hindi sustainable ang libreng sakay para sa lahat sa mga tren, sinabing ang MRT-3 ay nagkaroon lamang ng P82 milyon na revenue collection noong Enero ngunit gumastos ng P722 milyon para sa libreng sakay.

Idinagdag pa ni Chavez na hindi sila makakapagbigay ng libreng sakay sa LRT-1 dahil nasa ilalim ito ng concession agreement sa Light Rail Manila Corporation at walang kontrol ang gobyerno sa operasyon at kita nito.

vuukle comment

DOTR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with