^

Police Metro

Voter registration para sa barangay, SK elections umarangkada na

Danilo Garcia - Pang-masa
Voter registration para sa barangay, SK elections umarangkada na
This photo shows a room in Flora Ylagan High School in Quezon City, a day before the midterm elections on May 13, 2019.
The STAR / Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Aarangkada ngayong araw ang voter registration para sa barangay, SK elections na magtatapos ng Hulyo 23.

Ito ang inihayag ng Commission on Elections (Comelec) kaya’t ang lahat ng mga magiging bagong botante at sa mga nais ibalik ang kanilang rehistro ay magtungo sa mga tanggapan ng Comelec ng Lunes hanggang Sabado, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon kabilang ang mga holidays.

“Ito ‘yung mga magi­ging 15 years o 15 years old sto 17 years old... Kung hindi pa 15 pero magpi-15 [years old] by December 5, 2022, pwede nang magparehistro,” ayon kay Comelec spokesman Atty. John Rex Laudiangco.

Ang mga kuwalipikado naman na mag-aplay para sa pagboto sa regular elections kabilang ang barangay elections ay ang mga magiging 18-anyos pagsapit ng Disyembre 5.

Gaganapin ang barangay at SK elections sa darating na Disyembre 5, 2022 sa kabila ng mga panawagan na suspindihin ang mga ito upang makatipid umano sa pondo ang pamahalaan.

“Nakasaad sa batas na kailangan isagawa ang Barangay at SK elections sa December 5... Hangga’t walang batas para ‘wag itong ituloy, tuloy ang pag­hahanda ng Comelec,” giit ni Laudiangco.

Samantala,ang mga natanggal sa voter’s list ay maaari naman na mag-aplay sa pamamagitan ng online na mag-uumpisa ngayong araw, Hulyo 4 hanggang 19.

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with