^

Police Metro

P500 ayuda sa mahihirap simula ngayong araw

Mer Layson - Pang-masa
P500 ayuda sa mahihirap simula ngayong araw
Ito ang ipinangako ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na target na matatanggap ng 12.4 milyong Pilipinong benepisiyaryo sa ilalim ng Targeted Cash Transfer (TCT) Program umpisa ngayong araw.
pna.gov.ph/DSWD

MANILA, Philippines — Simula ngayong araw ay matatangap na ng ilang mga mahihirap na kababayan ang ipinangako na P500 ayuda ng pamahalaan bilang tugon sa tumataas na presyo ng bilihin sa bansa.

Ito ang ipinangako ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na target na matatanggap ng 12.4 milyong Pilipinong benepisiyaryo sa ilalim ng Targeted Cash Transfer (TCT) Program umpisa ngayong araw.

Nabatid na ngayong Lunes ng umaga (July 4) ay sisimulan na ng ahensiya ang pagdeposito ng ayuda sa cash card ng mga benepisiyaryo na maaaring tumagal lamang ng lima hanggang anim na araw.

“Tumawag po sa akin nitong Sabado si Pangulong BBM para kumustahin kung kailan maibibigay ang ayuda ng mga tao, sabi ko sa Lunes ng umaga po Sir,” sabi ni Sec. Tulfo.

 Inilabas ng Department of Budget and Ma­nagement (DBM) noong Biyernes ang P6.2 bilyong pondo para sa buwanang ayuda ng mga Pilipinong kabilang sa tinatawag na “low-income families”.

Ang programa ay ipatutupad ng DSWD sa loob ng anim na buwan upang makatulong sa taumbayang naghihirap dahil sa mataas na presyo ng gasolina at mga bilihin. Ang mga benepisiyaryong makakatanggap ng ayuda ay binubuo ng 4 na milyong pamilya mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps); 6 na milyong non-4Ps na dating benepisiyaryo ng Unconditional Cash Transfer Program; at 2.4 pamilya na nasa ‘Listahan’ o poverty data ng DSWD.

Umapela si Tulfo sa mga benepisiyaryo na gamitin sa tama ang kanilang mga ayuda. Nagpaalala din siya na maa­ring maalis sa listahan ang mga benepisiyaryo na mahuhuling ginagamit lang sa ilegal gaya ng pagsusugal ang kanilang mga ayuda.

vuukle comment

AYUDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with