Presyo ng LPG, bumaba
July 2, 2022 | 12:00am
MANILA, Philippines — Nagkaroon ng pagbaba ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) kahapon.
Ang Petron ay nagbaba ng P0.40 sa kada kilo ng LPG habang P0.22 sa kanilang auto-LPG. Habang may P0.36 naman ang ibinaba sa presyo ng Solane LPG.
Sinasabing ang rollback ng presyo ay bunga ng pagbaba ng international contract price ng LPG.
Ang LPG price rollback ay sa gitna naman ng patuloy na pagtaas ng halaga ng gasolina, diesel at kerosene.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
x
- Latest
Latest
Latest
Recommended