^

Police Metro

Term extension bill sa presidente, bise inihain sa kamara

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang araw matapos ang inagurasyon ni Pa­ngulong Bongbong Marcos, isang panukala ang inihain kahapon sa House of Representatives na nagsusulong na gawing 5 taon ang unang termino ng Pangulo ng bansa at magkaroon ng reelection.

Ang panukala ay inihain ni Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr.,at ipinaliwanag na ang 31M at 32M boto na nakuha ni Pangulong Marcos at Vice President Sara Duterte ay malinaw na indikasyon na pagpayag na ng taumbayan para sa isang Charter Change.

Sa ilalim ng kasalukuyang 1987 Constitution ay isang termino lamang na 6 na taon maaaring magsilbi ang Pangulo ng bansa at walang reelection, subalit sa panukala ni Aurelio ay maaari ang reelection bagama’t binaba sa 5 taon ang termino.

Maliban sa pagkakaroon ng reelection ng Pangulo ng bansa, nakapaloob din sa inihaing panukala ni Gonzales na ang ihahalal na Pangulo at ikalawang pangulo ay dapat nakaanib sa iisang partido habang isinusulong din nito na baguhin ang termino ng mga senador, congressman at local officials.

vuukle comment

BONGBONG MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with