Kilos-protesta ng mga militante, mapayapa
MANILA, Philippines — Sa pagtataya ng Manila Police District (MPD) ay naging mapayapa ang kilos-protesta ng mga militanteng grupo na aabot sa 1,000 sa Plaza Miranda sa Quiapo, Maynila kahapon.
Kabilang sa mga grupo ay ang Karapatan, Kilusang Mayo Uno, Bayan Muna at Anakpawis na isinisigaw ang mga isyu na pagsusulong sa press freedom, coco levy fund, at pagpapanagot sa mga sangkot sa korapsyon at paglabag sa human rights.
Inokupahan naman ng mga pro-Marcos ang Liwasang Bonifacio na mas malapit sa National Museum na ginanapan ng inagurasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Higit 15,000 tauhan ng pulisya, sundalo at Coast Guard maging mga force multipliers ang nagbantay sa bisinidad ng inagurasyon.
- Latest