^

Police Metro

Ilegal na pagpasok ng P6 milyon sibuyas, naharang ng BOC

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nahadlangan at kinumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang illegal na pagpasok sa bansa ng nasa P6 milyon halaga ng puting sibuyas.

Nabatid na ang naturang kontrabando ay naka-consigned sa Silverpop Dry Goods Trading at nakumpiska sa International Container Port (MICP) noong Hunyo 28 lamang.

Ayon naman kay Customs Deputy Commissioner for Intelligence Raniel Ramiro, naalerto ang kanilang tanggapan matapos na makatanggap ng “derogatory information” na ang mga shipments mula sa naturang consignee ay naglalaman ng mga agricultural products at misdeclared at undeclared items.

Tiniyak naman ng Customs examiners at ng iba pang kinatawan ang 100% eksaminasyon ng shipment ng tatlong 40-foot containers na natuklasang naglalaman ng mga sariwang puting sibuyas, sa kabila nang ito ay idineklarang naglalaman ng mga steamed buns mula sa China.

Matapos matukoy ang presensiya ng mga smuggled agricultural products, kaagad na humiling ang Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa MICP para sa agarang paglalabas ng Alert order/Pre-Lodgement Control Orders (PLCOs). Inaasahang kaagad ring sasampahan ng smuggling cases at iba pang kaukulang legal cases ang isasampa laban sa consignee dahil sa paglabag sa importation laws and regulations.

vuukle comment

SMUGGLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with