^

Police Metro

Sanggol pinugutan ng ulo, tatay kinatay ng kuya

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 9 buwan gulang na sanggol na babae ang pinugutan ng ulo habang ang kanyang ama ay pi­nagtataga ng kanyang ka­patid na may problema sa pag-iisip, kamakalawa sa Surigao del Norte.

Naliligo sa sariling dugo at wala ng buhay nang matagpuan ang mag-amang Johnny Avila Sequira, 23-anyos at wala na rin ulo ang anak nitong babae, kapwa resi­dente sa Purok-Mabuhay, Barangay Matin-ao, Ma­init, Surigao del Norte.

Naaresto naman ang suspek sa ginawang manhunt operation ng Mainit Municipal Police Station sa Surigao del Norte na kinilalang si Fred Avila Sequira, 33-anyos.

Batay sa report ng Ma­init–PNP, Martes ng hapon naganap ang krimen sa loob ng tahanan ng mag-ama.

Ayon sa saksi, nakita nila ang suspek na lumabas ng kanilang bahay bitbit ang itak na may bahid ng dugo at naglakad patungo sa bulubunduking bahagi ng naturang lugar.

Dali-dali namang tinu­ngo ng saksi ang bahay ng mag-ama at dito bumulaga sa kanyang harapan ang mga bangkay.

Sinabi ng mga kaanak na sinusumpong ng sakit ang suspek lalo na kapag nalilipasan ng gutom.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with