Booster shot sa 12-17 age group, larga na
MANILA, Philippines — Muling lalarga ang booster shot vaccination sa 12-17 taong gulang makaraang magbigay na ng suportado dito ang Health Technology Assessment Council (HTAC), ayon sa Department of Health (DOH) kahapon.
Ito ang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos na iliban ang implementasyon ng booster shot ng HTAC dahil sa hiling na kailangang mabakunahan muna ng booster shot ang 40% ng populasyon ng senior citizen.
Nakipagdayalogo dito ang National Vaccination Operations Center (NVOC) dahil sa mababang resulta ng booster vaccination.
Ang bakunang gagamitin ay may rekomendasyon ng HTAC at may “implementation guidelines” mula sa NVOC na ang gagamitin ay Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine na tanging nabigyan ng EUA para sa bakunahan sa mga bata.
Wala pang eksaktong petsa kung kailan uumpisahan ang booster vaccination sa adolescent dahil sa hinihintay pa ang ilalabas na panuntunan ng NVOC.
- Latest