^

Police Metro

Korap na government officials bigyan ng mag-asawang sampal, sikmuraan — Robin

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dapat na magbitiw na lamang sa puwesto sa ngalan na ng delicadeza ang mga opisyal ng gobyerno na iniimbestigahan.

Ito ang sinabi ni Se­nator-elect Robin Padilla­, matapos hingan ng re­aksyon tungkol sa intelli­gence report na nag-uug­nay sa pangalan ng ilang opisyal ng Bureau of Cus­toms (BOC) at Department of’ Agriculture (DA) na umano’y sangkot sa smug­gling sa bansa.

Giit ni Padilla, dapat uso na sa Pilipinas ang pagbibitiw sa puwesto sa gobyerno kapag naimbestigahan ang isang opisyal para magkaroon ng delicadeza at hindi kapit tuko pa.

Anya, isa sa kanyang natutunan sa pag-aaral sa Development Academy of the Philippines (DAP) ay ‘accountability’ o ang pananagutan sa mga taong nagsisilbi sa gobyerno at hindi umano maaaring­ ‘sorry’ lamang dahil na­numpa sila sa harap ng Diyos at sa harap ng taum­bayan na magsisilbi at po­­proteksyunan ang sambayanang Filipino.

Para kay Padilla, heinous crime ang ganitong kalokohan kaya dapat ay makatikim ang mga korap na opisyal ng gobyerno ng mag-asawang sampal at sikmuraan din.

Dapat din umanong mag-imbestiga ang Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa isyu ng ilegal na pag-aangkat ng mga produktong agrikultura.

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with