PNP ‘all systems go’ na sa Marcos, inauguration
MANILA, Philippines — Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na “all systems go” na sila para sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr sa Huwebes.
Ito ang tiniyak ni PNP spokesperson PCol.Jean Fajardo, halos 100 percent nang handa ang PNP sa kanilang inilalatag na seguridad sa National Museum at paligid nito para sa June 30 inauguration.
Sa ngayon, wala pa naman umanong natatanggap ang PNP na ano mang credible threat na pipigil sa naturang event.
Patuloy din ang kanilang koordinasyon sa Manila LGU at Manila Police District para sa sitwasyon sa lugar.
Gayunpaman, tuluy-tuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng PNP sa iba pang regional offices para i-validate ang mga natatanggap nilang impormasyon.
Sinabi ng PNP na halos nasa mahigit 15,000 pulis ang idedeploy sa National Museum of the Philippines sa Ermita, Manila.
- Latest