^

Police Metro

Booster shots sa ‘healthy’ 12-17 anyos, iniliban 

Danilo Garcia - Pang-masa
Booster shots sa �healthy� 12-17 anyos, iniliban 
Ipinaliwanag ni Natio­nal Vaccination ­Operations Center (NVOC) chairperson at Health Undersecretary Dr. Myrna Cabotaje na ang HTAC ay gumawa ng kondisyon na ang healthy adolescents na may edad na 12 hanggang 17 ay mabibigyan lamang ng kanilang booster shot kung ang booster cove­rage para sa senior citizens sa kani-kanilang lugar ay umabot sa 40%.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Bunsod ng ­ilang “glitches” sa Health Technology Assessment Council (HTAC) ay ipinagpapaliban muna ng national government ang pagbibigay ng kauna-unahang COVID-19 booster dose para sa non-immunocompromised o healthy children na may edad na 12 hanggang 17.

Ipinaliwanag ni Natio­nal Vaccination ­Operations Center (NVOC) chairperson at Health Undersecretary Dr. Myrna Cabotaje na ang HTAC ay gumawa ng kondisyon na ang healthy adolescents na may edad na 12 hanggang 17 ay mabibigyan lamang ng kanilang booster shot kung ang booster cove­rage para sa senior citizens sa kani-kanilang lugar ay umabot sa 40%.

“We were confident sana na after the immunocompromised, sisimulan na ang rest of the 12 to 17 booster. Kaya nga lang po, may isang recommendation ang HTAC na nakiki-bargain kami. Ang gusto nila, at least 40% ng first booster ng area ay sa senior citizen. Alam naman natin na mababa ang first booster. Scientifically, may basis sila, pero opera­tionally, nahihirapan kami,” ayon kay Cabotaje.

Ang rollout ng unang COVID-19 booster dose para sa immunocompromised minors para sa nasabing age group ay nagsimula, noong Miyerkules sa mga ospital lamang dahil sa safety reasons.

Sinabi ni Cabotaje, na nananatili pa rin silang nakikipag-negosasyon sa HTAC kaugnay sa nasabing kondisyon, umaasa na magdedesisyon ito sa loob ng isang araw kung ang booster inoculation para sa non-immunocompromised children na may edad na 12 hanggang 17 ay maaaring magpatuloy “as long as they meet the five-month interval.”

Base sa guidelines ng Department of Health (DOH), ang immunocompromised adolescents na may edad na 12-17 ay maaaring makatanggap ng first booster ng 28 araw matapos ang second dose ng COVID-19.

Habang ang non-immunocompromised mula sa parehong age group ay kailangan na maghintay ng limang buwan matapos ang bakuna ng kanilang second CO­VID-19 dose bago pa sila makakuha ng kanilang unang booster shot.  

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with