^

Police Metro

NCR No.1 sa listahan ng maraming bagong kaso ng COVID-19

Mer Layson - Pang-masa
NCR No.1 sa listahan ng maraming bagong kaso ng COVID-19
Patients' relatives queue at Amang Rodriguez Hospital Memorial Medical Center in Marikina City on Monday, March 15, 2021, exactly one year since the Philippine government imposed a pandemic lockdowns.
The STAR / Boy Santos

MANILA, Philippines — Nanguna sa listahan ng mga rehiyon at lalawigan sa bansa na nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng COVID-19 ang National Capital Region (NCR) o Metro Manila.

Ito ang iniulat kahapon ni OCTA Research Group fellow Dr. Guido David sa kanyang Twitter account, na kung saan ay nakapagatala ang MM ng 353 bagong kaso ng COVID noong Hunyo 25, 2022.

Sumunod ang Cavite sa Region 4A (Calabarzon) na may 62 cases; Iloilo sa Region VI (Western Visayas) na may 41 at Cebu sa Region 7 (Central Visayas) na may 40.

Ang Batangas ay may 37 new cases, Rizal na may 32 naman habang ang Laguna ay may 25 na pawang sa Region 4A.

Ang Bulacan at Pampanga naman, na kapwa nasa Region 3 (Central Luzon) ay may tig-15 bagong kaso, habang ang Benguet sa Cordillera Administrative Region (CAR) ay may 13.

Nakapagtala naman ang Davao del Sur sa Region 11 (Davao Region) at Nueva Ecija sa Region 3 ng tig-11 habang tig-9 cases naman ang naitala sa Negros Occidental sa Region 6 at ­Quezon sa Region 4A.

Ang Isabela naman na nasa Region 2 (Cagayan Valley) at Zamboanga del Sur na nasa Region 9 (Zamboanga Region) ay nakapagtala ng tig-8 kaso.

Ang Pangasinan na nasa Region 1 (Ilocos Region) ay may pitong kaso habang ang Mi­samis Occidental naman at ­Misamis Oriental, na kapwa nasa Region X (Northern Mindanao) ay kapwa nakapagtala ng tig-anim na bagong kaso ng sakit. Batay sa COVID-19 tracker ng Department of Health (DOH), nabatid na noon ang bansa ay nakapagtala ng 777 bagong kaso ng COVID-19 cases, sanhi upang umakyat na ang total number ng active cases sa 6,425.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with