^

Police Metro

Dahil sa tumataas na COVID-19 cases 5 lugar sa NCR isinailalim sa ‘moderate risk’

Ludy Bermudo - Pang-masa
Dahil sa tumataas na COVID-19 cases 5 lugar sa NCR isinailalim sa �moderate risk�
Authorized persons outside of residence (APORs) line up at a bus station on May 11, 2021 in EDSA Monumento Caloocan where they are given a free ride on EDSA carousel buses.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, isinailalim kahapon ng Department of Health (DOH) sa “­moderate risk” classification ang apat na lungsod at isang bayan sa National Capital Region o Metro Manila.

Ayon kay Health spokesperson Usec. Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa briefing, ang limang lugar na nasa moderate risk ay kinabibilangan ng mga siyudad ng Pasig, Marikina, San Juan at Quezon, at bayan ng Pateros.

Ayon sa DOH, ang isang lugar ay bilang moderate risk kung ito ay may positibong two-week growth rate sa bilang ng COVID-19 cases at average daily attack rate (ADAR) na nasa pagitan ng 1 hanggang 7. Ang ADAR ay ang insidente na nagpapakita ang average na bilang ng mga bagong kaso sa isang panahon bawat 100,000 tao.

“Kapag tiningnan natin, ang kanilang mga growth rate ay lumalagpas ng 200% kasi nanggagaling sa mababang numero, biglang nagkaroon ng kaso kaya tumaas ang growth rate,” ani  Vergeire.

Gayunaman, sa limang nabanggit na lugar, isa lamang aniya ang may bahagyang pagtaas ng hospital admission habang ang apat ay mas mababa sa 50%.

Sa kabila nito, sinabi ni Vergerie na hindi naman ito dapat ikaalarma ng publiko. - Malou Escudero

vuukle comment

COVID-19

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with