^

Police Metro

‘Motornapper’ todas sa shootout sa Quezon City                 

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang isang hinihinalang “motornapper” o magnanakaw ng motorsiklo matapos umanong makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon Police District sa Novaliches, kahapon.

Ang suspek na wala pang pagkakakilanlan ay sinasabing aarestuhin ng mga elemento ng Novaliches Police Station 4  sa harap ng isang subdivision sa Barangay Nagkaisang Nayon alas- 3:20 ng madaling-araw nang nakawin umano ang isang Yamaha Mio Sporty motorcycle mula sa may-ari nito sa Sikatuna Village sa Barangay San Bartolome.

Sinasabing nahuli ng mga pulis na minamaneho na ng suspek ang motorsiklo pero sa halip na sumuko ay namaril pa kaya’t gumanti ng putok ang awtordidad.

Ang suspek ay namatay noon din at wala namang nasaktan sa panig ng pulisya.

Narekober mula sa suspek ang umano’y ninakaw niyang motorsiklo at ang kanyang gamit na .38 kalibreng baril.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with