Presyo ng produktong petrolyo tataas uli — DOE
MANILA, Philippines — Nag-abiso na ang Department of Energy na sa susunod na linggo ay muling tataas ang presyo ng produktong petrolyo dahil sa mababang palitan ng Philippine peso laban sa US dollar.
Ito ang sinabi ni Atty.Rino Abad, direktor ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy (DOE), samantala, mananatili naman sa kasalukuyang presyo ang gasolina o maaaring bumaba pa.
Sinabi kahapon ni Abad na maaaring umakyat ng “a little more than P1” kada litro ang presyo ng diesel habang inaasahang papalo ang taas-presyo ng kerosene sa mas mababa sa P1/liter.
Iniugnay ni Abad sa peso depreciation sa mga nakalipas na araw ang pagtaas sa presyo ng ilang produktong petrolyo.
“Ngayong week bumaba ang ating trading prices ng gasoline, diesel at kerosene. Unfortunately, in a matter of five days, halos piso ang itinaas ng ating peso compared to US dollar,” sabi ni Abad.
“So when we computed, unfortunately, ang ini-expect natin if not baka hindi pa ito magko-cause ng rollback. Pero ang gasolina may chance ng konting rollback o walang adjustment. Yun ang tinignan natin,” dagdag niya.
- Latest