^

Police Metro

P843.9 bilyon net loss ng SSS, bubusisiin ng Senado

Malou Escudero - Pang-masa
P843.9 bilyon net loss ng SSS, bubusisiin ng Senado
Sa kanyang inihaing Senate Resolution No. 1006, hinikayat ni Tolentino ang Senate Committee on Government Corporations and Public Enterprises na magsagawa ng imbestigasyon sa milyon-milyon umanong lugi ng SSS base sa “unaudited financial statements.”
STAR / File

MANILA, Philippines — Dahil sa napaulat na P843.9 bilyong net loss ng Social Security System (SSS), nais ni Senator Francis Tolentino na maimbestigahan ito sa Senado.

Sa kanyang inihaing Senate Resolution No. 1006, hinikayat ni Tolentino ang Senate Committee on Government Corporations and Public Enterprises na magsagawa ng imbestigasyon sa milyon-milyon umanong lugi ng SSS base sa “unaudited financial statements.”

Sinabi ni Tolentino na dapat masilip ang nasabing isyu para makalikha ng batas na magbibigay ng mas mataas na proteksiyon sa pangmatagalang financial standing at mabigyang proteksyon ang pera ng mga miyembro ng SSS.

Base sa data noong Abril 2022, nasa 40.49 milyon Filipinos ang naka-enroll sa SSS kung saan nasa 76% o 30.77 milyon ang employed members at 3.35 milyon ang self-employed members. Nasa 1.34 milyon naman ang mga overseas Filipino workers (OFWs) members.

Nauna nang nilinaw ni SSS President at CEO Michael Regino na ang sinasabing P843.9-bilyon net loss noong nakaraang taon ay sanhi ng isinagawang pagbabago sa accounting standards sa nasabing panahon. Bunga rin ito aniya ng pagsunod sa Philippine Financial Reporting Standards (PFRS) 4.

vuukle comment

SSS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with