PNP paiigtingin pa ang giyera sa droga sa bagong administrasyon
MANILA, Philippines — Kasabay ng pagtatapos ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 30 ay tuloy at mas paiigtingin pa ng Philippine National Police ang kanilang kampanya laban sa illegal drugs.
Ito ang sinabi ni PMGen. Valeriano T. De Leon at naglabas sila ng direktiba sa lahat ng mga police commanders na doblehin ang kampanya laban sa illegal drugs na patuloy na namamayagpag.
Sinabi ni De Leon na may bagong istratehiyang ginagawa ang PNP upang masawata ang operasyon ng mga drug syndicate at dodoblehin din ang information drive at education campaign sa mga estudyante na kadalasang target na customers ng illegal drug syndicates.
Naniniwala si De Leon na papaboran ni incoming President Ferdinand Marcos ng kampanya ng PNP laban sa droga.
- Latest