Kasong contempt kay De Lima at abogado, ibinasura
MANILA, Philippines — Ibinasura kahapon ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) ang kasong contempt laban kay Senator Leila de Lima at sa kaniyang abugado kaugnay sa kanilang mga pahayag tungkol sa mga testimonya ng mga testigo ng prosekusyon.
Batay sa 33-pahinang desisyon ng Muntinlupa RTC Branch 206, ibinasura ang petition to cite in indirect contempt laban kay De Lima Atty. Filibon Tacardon dahil sa ‘lack of merit’ at idineklarang ‘moot and academic’ ang iba pang nakabinbing insidente.
Iginiit ng mga petisyuner na nilabag ni Tacardon ang “subjudice” rule nang magpahayag sa iba’t ibang media outlets hinggil sa naging testimonya ng mga testigo na nagsasabi na ang mga pahayag ay “may posibilidad na makahadlang, makahahadlang, o magpapababa sa pangangasiwa ng hustisya.
Subalit, ayon sa korte, para maituring na contemptuous dapat ay mayroong “clear and present danger to the administration of justice,”na hindi naman nakita. Hindi rin aniya maituturing na ‘subjudice’ ang nasabing mga pahayag.
Magugunita na kamakailan ay binawi nina self-confessed drug lord Kerwin Espinosa at dating opisyal ng Bureau of Corrections na si Rafael Ragos ang kanilang mga alegasyon sa droga laban kay De Lima at pareho silang humingi ng paumanhin.
- Latest