^

Police Metro

Marcos, aprub na maging drug czar si Duterte

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kung gugustuhin umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging drug czar ay nakahanda si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na tanggapin ito.

Ayon kay Marcos, walang problema sa kanya kung nais ni Duterte na sumama sa kanyang administrasyon upang maipagpatuloy ang laban sa ilegal na droga.

Pero, nilinaw din ni Marcos na hindi pa nila napapag-usapan ni Duterte ang posibilidad na maging drug czar ito pagkababa niya sa puwesto.

Sinabi pa ni Marcos na bukas siya para sa lahat ng mga nais tumulong sa gobyerno.

Idinagdag pa ni Marcos na magsabi lamang sa kanya si Duterte ay tatanggapin niya ito.

Inamin naman ni Marcos na bago mag-eleksiyon ay sinabihan siya ni Duterte na ipagpatuloy ang kampanya laban sa ilegal na droga.

Binanggit din aniya ni Duterte na kawawa ang mga kabataan kung iiwanan ang laban sa ilegal na droga.

“Ang kanya sinasabi niya, one thing he was assertive about, ituloy ang anti-drug syndicate (sic) na sinimulan ko. Do it your own way. He really said that. Palitan mo... but wag mong iiwanan yan kasi kawawa ang kabataan natin. Talagang nasisira ang buhay nila,” ani Marcos.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with