^

Police Metro

Mga nanalong party-list groups naiproklama na

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naiproklama na ng Commission on Elections- National Board of Canvassers ang 55 Party-list groups na nagwagi nitong nakaraang halalan Mayo 9 makaraan ang pagkakaantala ng ilang araw.

Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia na ang naturang mga party-list groups ang bubuo sa 63 congressional seats na 20% ng kabuuang miyembro ng Kongreso.

Nanguna sa mga nagwagi ang ACT-CIS na nakakuha ng tatlong seats sa Kongreso dahil sa nakalap na botong 2,11,091.

May tigda-dalawang representasyon naman ang limang sumunod na party­list na kinabibilangan ng 1-Rider (1,001,243), Tingog (886,959), 4PS (848,237), Ako Bicol (816,445), at Sagip (780,456).

May isang puwesto ang mga partylist na: Ang Probinsyano; Uswag Ilonggo; Tutok To Win; Cibac; Senior Citizens Partylist; Agimat; Kabataan; Angat; Marino; Ako Bisaya; Probinsyano Ako; LPGMA; Api; Gabriela; CWS; Agri; Ako Ilocano Ako; Kusug Tausug; Kalinga; An Waray; AGAP; Coop Natcco; Malasakit@Bayanihan; BHW; GP Party; Bagong He­nerasyon; ACT Teachers; Bicol Saro; Dumper PTDA; Pinuno; Abang Lingkod; PBA; OFW; Abono; at Anakalusugan.

Nagwagi rin ng isang puwesto ang: Kabayan; Magsasaka; 1-Pacman; APEC; Pusong Pinoy; TUCP; Patrol; Manila Teachers; AAMBIS-OWA; Philreca; TGP; Duterte Youth; P3PWD; at Alona.

Itinuloy ng Comelec ang pagproklama sa Gabriela at Kabataan Party-lists sa kabila ng kinakaharap na disqualification case dahil sa umano’y ugnayan ng mga ito sa komunistang rebelde.

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with