^

Police Metro

8 sasakyan nagkarambola: 1 patay

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki habang isa ang nasugatan sa naganap na karambola ng walong sasakyan sa Ortigas, Pasig City, ka­makalawa ng gabi.

Ang nasawi ay na­kilalang si Jhames Morga, 29, motor rider, fitness ambassador, at residente ng Edsa, South Triangle, Quezon City. Habang nasugatan naman si Jonathan Joaquin, 31, Grab driver ng Brgy. Sumilang, Pasig City.

Nadamay rin sa aksidente ang iba pang driver na sina Alwen Cardel, 33, Liason Staff, ng Brgy. Sun Valley, Parañaque City; Jose Claro Santos, 51, bank employee, ng Brgy. Sta Lucia, Pasig City; Danilo Quiamco Jr., 40, bus driver, ng Brgy. San Jose, Antipolo City; Rey Morato, 52, driver, ng Brgy. Sta Lucia, Pasig City at Nhuel Laciste, 29, ng Brgy. Malinao, Pasig City.

Kusang-loob namang sumuko at nakapiit na ang driver ng trailer truck na si Francis Figueroa, 42, ng Navotas City.

Sa ulat ng Pasig Traffic Division, alas-8:15 ng gabi nang maganap ang aksidente sa pababang bahagi ng Ortigas Avenue, kanto ng E. Rodriguez Avenue (C-5 Road) sa Brgy. Ugong, Pasig City.

Kasalukuyan umanong binabaybay ni Figueroa, ang minamanehong trailer truck (WTD-477) ang Ortigas Avenue patungong Rosario sa Pasig, upang magdeliber ng mga kargang perishable goods.

Pagsapit sa pababang bahagi ng kalsada, ay bigla na lang itong nawalan ng preno at kontrol sa manibela kaya’t inararo ang tatlong sports utility vehicle (SUV), tatlong motorsiklo at isang bus na nasa unahan nito at kasalukuyang nakatigil sa trapik.

Kaagad binawian ng buhay si Morga, na lulan ng itim na Yamaha Mio Sporty, matapos masalpok at makaladkad pa ng trailer truck.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with