^

Police Metro

Lady MSWD opisyal utas sa ambush

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang babae na municipal social welfare and development officer matapos na pag­babarilin ng riding-in-tandem habang sakay ng kanyang kotse, kamakalawa sa Oceanview Subdivision, Brgy. San Isidro, Virac, Catanduanes.

Ang biktima na nasawi noon din dahil sa tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Carmel A. Eubra, dalaga, residente ng naturang lugar.

Sa ulat, alas-5:30 ng hapon minamaneho ni Eubra ang kanyang Mitsubishi Expander (EAD-3661) at papasok sa kanilang subdivision nang biglang sumulpot ang dalawang suspek na lulan ng motorsiklo at walang ka­abug-abog na pinagbabaril ito.

Nagkabutas-butas ang salamin ng sasakyan at tina­maan ng mga punglo sa katawan ang biktima na agad nasawi.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa pamamaslang.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with