^

Police Metro

‘No booster shot card, no entry’ sa Hunyo malabo na

Malou Escudero - Pang-masa
�No booster shot card, no entry� sa Hunyo malabo na
Quezon City health workers are busy putting tamper-proof security seals into the vaccination cards at the city hall on July 10, 2021.
The STAR / Boy Santos

MANILA, Philippines — Malabo na umanong maipatupad sa Hunyo ang isinusulong ng gobyerno na “no booster shot card, no entry” sa mga papasok sa mga “enclosed establishment” bilang pangontra sa pagtaas ng COVID-19.

Ito ang sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion at marami ang hindi pumapayag na gawing mandatory ang pagpapakita ng booster shot card dahil kakaunti lamang ang nagpapaturok at mababawasan ang mga papasok sa mga establisimyento.

“Well, give up na rin ako diyan kasi maraming hindi pumapayag diyan sa mga booster shots. Kasi nakikita nila kakaunti rin ang mga taong kumuha ng booster shots, so halos walang papasok diyan sa mga business establishments,” pag-amin ni Concepcion.

Pero, ipinaalala ni Concepcion na nababawasan na ang bisa ng primary vaccines base na rin sa kanyang naging karanasan matapos kumuha ng antibody test.

Bagaman at naging “over confident” na aniya ang mga Filipino dahil mahina na ang nai-infect pero nakakaalarma ang posibleng pagtaas muli ng kaso ng COVID-19.

Ayon pa kay Concepcion marami naman ang bakuna sa bansa at mas mabuti nang magamit ito at maiturok kaysa manatili sa mga cold storage at masayang lang.

“So, I am appealing to our citizens na, if you really want to save the Philippine economy and protect lives of people, kunin na natin iyong booster. Kailangan rin natin iyan,” dagdag ni Concepcion.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with