^

Police Metro

Comelec kakasuhan ang mga sangkot sa pagtatapon ng poll materials sa Cavite

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ng Commission on Elections na sinisilip nila ang paghahain ng kaso laban sa mga indibidwal na sangkot sa pagtatapon ng training ballots sa isang bakanteng lote sa Amadeo, Cavite.

Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na patuloy ang kanilang imbestigasyon at pagpapaliwanagin ang F2 Logistics sa malaking katanungan kung paanong pati mga materyales na hindi kasama sa kanilang kontrata ay hinakot nito sa Rizal Elementary School sa Tondo, Maynila at napunta sa Amadeo, Cavite na masyadong malayo sa kanilang bodega sa Sta. Rosa, Laguna na pinag-iimbakan ng mga ‘vote counting machines (VCMs)’ na dapat ay ito lamang ang mga hinakot.

Sa ilalim umano ng Revised Penal Code, papasok ito sa “infedelity in the custody of public document”, kaya kung sino ang may hawak ng mga dokumento ay “accountable”.

Kasama rin umano sa kontrata ng F2 ang penal clause kung hindi magko-comply sa “contractual obligation” at kung may kapabayaan.

Ipinaliwanag ng Comelec na nakasama ang mga “black boxes” sa nabanggit na paaralan na naglalaman ng mga “non-accountable forms” tulad ng mga folders, kopya ng mga election returns na hindi kinuha ng mga kandidato o partido, at iba pa.

Tiniyak ng Comelec na walang laman na orihinal na balota ang mga black boxes na natagpuan sa Cavite.

Sinabi naman ni Director Thaddeus Hernan, ng Administrative Services Department, na marami pang sisinglin ang F2 sa Comelec na maaaring i-hold habang hindi nareresolba ang isyu.

May limang “milestones” umano sa kontrata nila at dalawa pa lamang ang nababayaran ng Comelec sa mga ito.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with