BBM spokesman,itatalagang Executive Secretary
MANILA, Philippines — Tinanggap na ni Atty.Vic Rodriguez ang pagiging Executive Secretary sa pagsisimula ng panunungkulan ni presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kaya’t iiwan na nito ang pagiging spokesperson at chief of staff ni Marcos.
Nagpasalamat naman si Rodriguez sa tiwala na ibinigay ni Marcos sa kanya at anya ay masaya siyang makatrabaho ang isang tao na may sinseridad upang pamahalaan ang bansa.
Ayon kay Rodriguez, dodoblehin nila ang pagtatrabaho upang maging matagumpay ang anim na taon ng administrasyong Marcos.
Papalitan ni Rodriguez si Salvador Medialdea, na Executve Secretary ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapalit ng administrasyon sa Hunyo 30.
Nagtapos si Rodriguez law sa University of Santo Tomas at nabigyan ng Executive Education sa National University of Singapore (NUS) Negotiation and Influence Program at nagsilbi rin itong Deputy General Counsel ng Integrated Bar of the Philippines. - Gemma Garcia
- Latest