^

Police Metro

Arawang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, tumaas

Danilo Garcia - Pang-masa
Arawang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, tumaas
At least 700 market vendors line-up to receive their first dose of the Sinovac COVID-19 vaccine on Sept. 6, 2021.
The STAR / Victor Martin

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng OCTA Research na tumaas ng 19 porsyento ang ara­wang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila sa nakalipas na halos dalawang linggo matapos ang halalan.

Subalit, ayon sa OCTA na nananatili namang nasa “low risk” ang Metro Manila sa kabila ng naitalang pagtaas sa 71 arawang kaso mula Mayo 13-Mayo 19 mula sa dating 59 ng sinundang linggo. 

Tumaas rin ang reproduction number ng NCR sa 0.90 mula sa dating 0.76. Ikinukunsidera itong “mo­derate” mula sa dating “low classification”.

Nananatili naman ang positivity rate sa 1.2% ng iki­nakasang 11,476 average na Covid tests kada araw. Ang hospital rate naman ay nasa 22% sa rehiyon. 

Umakyat rin ang isang linggong average daily attack rate (ADAR) sa 0.50 mula sa dating 0.42. pero ito ay “very low risk”.

Kaya’t patuloy ang pa­nawagan ng Department of Health sa publiko na hindi pa bakunado na magpabakuna na at sa mga nabakunahan ay magpa-booster shot dahil sa bumababang immunity upang maiwa­san ang mga Omicron variants.  

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with