^

Police Metro

Duterte titingin na lang sa magagandang babae, pagbaba sa puwesto

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Muling nagpakawala ng biro si Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa kung saan sinabi niya na dahil patapos na ang kanyang trabaho sa Malacañang ay aatupagin naman niya ang paghahanap ng magagandang babae.

Sa kanyang talumpati­ sa Central Post Office Building sa Maynila, sinabi ni Duterte na hanggang tingin na lamang naman siya dahil matanda na.

“Ang trabaho ko na lang ngayon magtingin ng magandang babae… Okay na ako. Tingin lang, hindi ako naga-abduct, hindi ako naga-ano, basta tingin lang kasi matanda na,” ani Duterte.

Sinabi rin ni Duterte na hindi siya dapat katakutan kung mayroong titi­gan pero okay lang sa kanya kung magpapakilala ang titingnan.

Sinabi rin ni Duterte na 77 taong gulang na, na alam ng kanyang partner na mahilig siyang tumingin sa magagandang babae.

Nakatakdang bumaba sa posisyon si Duterte sa Hunyo 30 at ilang beses na niyang binanggit na magiging isang ordi­naryong mamamayan na lamang siya at uuwi sa kanilang pro­binsiya sa Davao.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with