^

Police Metro

Dahil sa Omicron subvariant COVID-19 cases sa Pinas posibleng umabot sa 500 kada araw

Malou Escudero - Pang-masa
Dahil sa Omicron subvariant COVID-19 cases sa Pinas posibleng umabot sa 500 kada araw
People cross a street to shop in the Divisoria district of Manila on November 30, 2021.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Posible umanong tumaas muli ang kaso ng COVID-19 sa bansa ng hanggang 500 kada araw dahil sa Omicron subvariant.

Ito ang naging babala kahapon ni Dr. Rontgene Solante, na ang pagtaas ng kaso ay maaaring maranasan sa mga lugar na mababa ang bakuna at sa mga lugar na halos siksikan ang populasyon katulad ng Metro Manila.

“Well, ang expectations natin dito ay tataas ang kaso, especially in those areas na mababa ang vaccination rate…So vulnerable ang population natin especially for those na wala talagang bakuna kumpara doon sa may mga bakuna especially for those [na may ] booster. So there is a possibility ‘no, malaki ang posibilidad niyan na medyo tataas ang kaso,” babala ni Solante.

Pero kahit naman aniya tumaas ang kaso ay hindi ito sapat para maapektuhan ang hospitalization rate ng bansa.

Sinabi rin ni Solante na mas mabilis na kumalat ang BA.2.12.1 kaysa sa orihinal na Omicron variant.

“Sa rate ng transmissibility nitong bagong variant ‘no, it’s more transmissible than the original Omicron variant. Now, if this will occur, especially in regions na talagang mababa ang vaccination rate, siguro mas mahihigitan pa natin ang mga 500 na nakikita natin before ‘no; and that’s what we’re going to monitor,” ani Solante.

Ayon pa kay Solante, posible rin na hindi tugma ang naiulat na bagong kaso dahil mababa o kakaunti ang magpapa-test kahit pa may mga mararamdamang sintomas. - Danilo Garcia

vuukle comment

COVID-19

OMICRON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with