^

Police Metro

Robin Padilla, walang nilabag na Comelec protocol

Danilo Garcia - Pang-masa
Robin Padilla, walang nilabag na Comelec protocol
Senatorial aspirant Robin Padilla at a UniTeam rally
Robin Padilla via Facebook

MANILA, Philippines — “Walang nilabag na protocol si number 1 Senator-elect Robin Padilla nang higit sa lima ang makita na kasama niyang nagpakuha ng larawan sa entablado sa ginanap na proklamasyon nitong Miyerkules.”

Ito ang nilinaw ni Commission on Elections (Comelec) Spokesperson John Rex Laudiangco dahil lima lang talaga ang kasama ni Padilla na siyang panuntunan nila para sa mga nanalong kandidato sa senatorial race.

Ang iba umano na nakita na sumama sa kaniya nang magpakuha ng ‘customary photo opportunity’ sa Philippine International Convention Center (PICC) ay nangga­ling sa ‘gallery’ na nangangahulugan na kasama ng ibang bisita na posibleng niyaya lamang na umakyat at kabilang dito si Senador Bong Go na matalik na kaibigan ni Padilla.

Kapansin-pansin rin na hindi kasama ni Padilla ang kaniyang misis na si Mariel Rodriguez Padilla at ang mga anak partikular na si Kylie Padilla.

Sa dulo ng kaniyang talumpati, biniro niya ang mga manonood nang magsabing, “It’s late in the evening, I feel wonderful tonight.”

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with