^

Police Metro

BSP nagtaas ng ‘interest rates’

Danilo Garcia - Pang-masa
BSP nagtaas ng �interest rates�
Ayon sa BSP, sinundan rin nila ang ginagawa ng ibang central bank sa buong mundo sa pagtataas ng interest rates habang unti-unting bumabangon ang ekonomiya mula sa resesyon dahil sa pandemya.
STAR / File

MANILA, Philippines — Upang masolusyunan ang mabilis na ‘inflation rate’ sa bansa dahil sa paghina ng ekonomiya nitong pandemya ay itinaas ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang kanilang ‘benchmark rate’ sa maraming uri ng transaksyong pinansyal sa 2.25 porsyento.

Ang ‘benchmark rates’ ay ang regular na ina-update na ‘interest rates’ na ginagamit sa iba’t ibang pinansyal na kontrata tulad ng pagsanla, ‘bank overdraft’ at iba pang kumplikadong prosesong pinansyal.

Ayon sa BSP, sinundan rin nila ang ginagawa ng ibang central bank sa buong mundo sa pagtataas ng interest rates habang unti-unting bumabangon ang ekonomiya mula sa resesyon dahil sa pandemya.

Lumago ang ekonomiya ng Pilipinas ng 8.3% ngayong unang quarter ng taon, pero tumaas rin ang inflation rate ng 4.9% nitong Abril, na mas mataas sa prediksyon ng pamahalaan na 2-4% na pangunahing tumaas ang presyo ng langis at pagkain.

Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na ipatutupad ang polisiya sa interest rate sa ikalawang bahagi ng taon. Ito ang kauna-unahang ‘rate hike’ ng bansa sa loob ng tatlong taon.

Naniniwala ang BSP na magpapatuloy ang pagtaas ng ‘inflation’ dahil sa epekto naman ng nagpapatuloy na digmaan sa Ukraine, normalisasyon ng mga polisiya ng US Federal Reserve at mga problema sa suplay ng mga produkto sa mundo na nagtutulak sa mas mataas na presyo.

vuukle comment

BSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with