^

Police Metro

Pinas nakapagtala ng unang local transmission ng Omicron subvariant

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng Department of Health (DOH) na may lokal na transmisyon na ng Omicron subvariant BA.2.12.1 sa bansa makaraan ang masusing pag-aanalisa ng University of the Philippines-Phi­lippine Genome Center (UP-PGC), UP-PGC Visayas, Research Institute for Tropical Medicine (RITM), at mga lokal na epidiomology at surveillance units.

Sinabi ng DOH, nakatukoy na sila ng mga kaso sa National Capital Region, Western Visayas Region, at Puerto Prin­cesa City.

Ang lokal na transmisyon ay tumutukoy sa mga lokal na kaso na hindi maikokonekta sa mga kaso na may internasyunal na ‘travel history’.

Sa mga pinakahu­ling ebidensya, natukoy na mas nakahahawa ang Omicron BA.2.12.1 dahil sa dagdag na mutasyon nito kumpara sa orihinal na Omicron strain.

Hindi naman umano ito naobserbahan na nagdudulot ng malulubhang sakit ngunit nakakatakas ito sa ‘immunity’ ng isang tao.

Kaya’t palalakasin umano ng DOH ang agarang pagtukoy at isolation sa mga pasyente at lalo pang paghahanda sa kapasidad ng ‘health system’. 

Hindi naman na kailangang ipatupad ang restriksyon sa pagbiyahe at ‘screening at testing’ sa mga border dahil sa may mataas nang ‘vaccination coverage’ ang bansa. ­

vuukle comment

OMICRON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with