^

Police Metro

BBM landslide victory sa overseas voting

Joy Cantos - Pang-masa
BBM landslide victory sa overseas voting
Isinasailalim sa final tabulation ang certificates of canvass (COC) sa nakalipas na halalan ng mga staff ng Commission on Elections (Comelec) na nagsisilbing National Board of Canvassers (NBOC) bago iproklama ang mga nanalong senador sa loob ng Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Itinanghal na panalo si presumptive President Ferdinand “Bongbong “ Marcos Jr., na nakakuha ng malaking boto mula sa mga Pinoy na nasa iba’t ibang mga bansa sa katatapos na halalan.

Ayon sa kampo ni Marcos ay walang kaduda-duda na talagang suportado ng mayorya ng mga Pinoy ang pambato ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na record- breaking sa nakuhang mahigit 31M boto sa kasaysayan ng bansa simula ng post Edsa era.

Sa ulat mula sa iba’t ibang Philippine diplomatic posts at sa mismong Commission on Elections (Comelec) Transparency Media server ay nagpakita na si Marcos na nakakuha ng 330,231 na boto, na malayung-malayo ang lamang mula sa 89,624 na nakuha ng pumapangalawa dito na si Vice President Leni Robredo.

Sa Asia Pacific cluster kung saan kabilang ang China, Japan, Australia, Thailand, Malaysia, Korea, Singapore, at Taiwan, nakakuha si Marcos ng 159,186 na boto habang 35,862 na boto lang ang nakuha ni Robredo.

Ang pinakamaraming boto na nakuha ni Marcos ay sa Singapore kung saan 36,806 na ang nakuha niya laban sa 12,283 ni Robredo.

Sumunod ang Japan kung saan nakakuha si Marcos ng 25,410 na boto habang sa Taiwan ay nasa 23,906.

Ang kalamangan ni Marcos ay patuloy hanggang Middle East at Africa cluster, na binubuo ng Lebanon, Qatar, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, United Arab Emi­rates, at Bahrain sa nakuhang 111,025 boto kumpara kay Robredo na umabot lamang sa 19, 856.

Sa Saudi Arabia na mayroon ng 98% voter turnout, nakakuha si Marcos ng 46,748 na boto kumpara kay Robredo na 8,582 lang.

Napanatili rin ni Marcos ang kanyang pangunguna sa Amerika at Europa clusters, kung saan nakakuha ito ng 28,623, at 31,397 boto.

Base sa partial at unofficial results na inilabas nitong Mayo 13, 2022, patuloy ang pangunguna ni Marcos sa presidential race na nasa 31,104,175 ang boto habang 14,822,051 naman kay Robredo.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with